LOOK: Yaya Dub alive and kicking

Matapos mawalan ng malay sa kasal nila ni Frankie sa Eat Bulaga!, nag-post ng larawan sa kaniyang Instagram account si Maine "Yaya Dub" Mendoza.

READ: YAYA DUB PASSED OUT FOR REAL?

Marami ang nag-alala kay Yaya Dub nang malaman nila na hindi acting ang pagkakahimatay niya sa #Kiligpamore kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Sabado.

Nag-top trending topic pa nga sa Twitter worldwide at Philippines ang tambalang AlDub nila ni Alden Richards para ipakita ang pagtutol ng netizens sa kasalang Yaya Dub at Frankie o Yakie.

Matapos dalhin sa ospital, marami ang nagtanong kung kumusta na ang lagay ni Yaya Dub.

Nagpadala rin ng text message sa GMA News Online nitong Sabado si Malou Choa-Fagar, isa sa mga producer ng Eat Bulaga, na nagbigay ng impormasyon na mabuti na ang lagay ng bagong idolo ng bayan.

Sa kaniyang Instagram account, ipinaalaman ni Maine aka Yaya Dub, sa kaniyang supporters na okey siya at sinamahan niya ito ng larawan.

Saad ni Yaya Dub, sadyang hindi mabuti ang pakiramdam niya kanina at hindi siya nakainom ng gamot kaya bumigay ang kaniyang katawan.

Ang kagandahan daw sa pangyayari, hindi natuloy ang kasal nila ni Frankie.

Pero ang malungkot na balita, hindi rin sila nagkita ni Alden.

Magpasalamat din siya sa lahat ng nag-alala para sa kaniya.



FRJ - GMA News